News and Announcement
NO HELMET NO TRAVEL POLICY
May 3, 2024 - 11:38 AM
PARA PO SA KABATIRAN NG LAHAT ay maigting na pong ipapatupad ang NO HELMET NO TRAVEL POLICY sa nasasakupan ng Bayan ng Cavinti.
PAMBAYANG KAUTUSAN BILANG 005-2023
Isang Kautusan na mahigpit na ipinapatupad ang PAGSUSUOT NG
HELMET at nagtatakda ng iba pang patakarang kaugnay sa pagsakay ng Motorsiklo,
Scooter E-Bike at ATV Motorbike.
Saklaw ng kautusang ito ang pagsususot ng HELMET (Driver at
angkas) sa lahat ng kalsada na nasasakupan ng bayan ng Cavinti
(National, Provincial, Municipal at Barangay Road)
MGA IPINAGBABAWAL:
Na mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagsusuot ng tamang
kalse ng HELMET alinsunod sa tinutukoy ng batas
Na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkas ng mahigit sa
isa
Na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkas ng bata na
hindi aabot a ng paa sa apakan (footrest ng motorsiklo at iba pang sasakyang
sinasaad sa kautusang ito)
PASUBALI:
Pinapayuhan ang sinuman na magsuoy ng Half-face/Nutshell
Helmet kung walang 500 metro ang pupuntahan.
KAPARUSAHAN:
a. Unang Paglabag
- Php 1000.00
b. Ikalawang Paglabag
- Php 2000.00
c. Ikatlong Paglabag
- Php 2500.00
Tuluyang pagkumpiska
ng lisensya o pag-impound ng sasakyan.
Kailangan mabayaran a ng Citation Ticket sa loob ng 30 araw
sa Municipal Treasurers Office at kung hindi ay maari ng iduntol sa
kinauukulang hukuman ayon sa paglabag.
Para sa kabuuang detalye, i-click po ang link n ito - KAUTUSANG PAMBAYAN BLG. 005-2023 .