Philippine Standard Time

News and Announcement

NO HELMET NO TRAVEL POLICY

May 3, 2024 - 11:38 AM


PARA PO SA KABATIRAN NG LAHAT ay maigting na pong ipapatupad ang NO HELMET NO TRAVEL POLICY sa nasasakupan ng Bayan ng Cavinti.

PAMBAYANG KAUTUSAN BILANG 005-2023

Isang Kautusan na mahigpit na ipinapatupad ang PAGSUSUOT NG HELMET at nagtatakda ng iba pang patakarang kaugnay sa pagsakay ng Motorsiklo, Scooter E-Bike at ATV Motorbike.

Saklaw ng kautusang ito ang pagsususot ng HELMET (Driver at angkas)  sa lahat  ng kalsada na nasasakupan ng bayan ng Cavinti (National, Provincial, Municipal at Barangay Road)

MGA IPINAGBABAWAL:

Na mahigpit na ipinagbabawal ang hindi pagsusuot ng tamang kalse ng HELMET alinsunod sa tinutukoy ng batas

Na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkas ng mahigit sa isa

Na mahigpit na ipinagbabawal ang pag-aangkas ng bata na hindi aabot a ng paa sa apakan (footrest ng motorsiklo at iba pang sasakyang sinasaad sa kautusang ito)

PASUBALI:

Pinapayuhan ang sinuman na magsuoy ng Half-face/Nutshell Helmet kung walang 500 metro ang pupuntahan.

KAPARUSAHAN:

a. Unang Paglabag          - Php 1000.00

b. Ikalawang Paglabag    - Php 2000.00

c. Ikatlong Paglabag       - Php 2500.00 

 Tuluyang pagkumpiska ng lisensya o pag-impound ng sasakyan.

Kailangan mabayaran a ng Citation Ticket sa loob ng 30 araw sa Municipal Treasurers Office at kung hindi ay maari ng iduntol sa kinauukulang hukuman ayon sa paglabag.

Para sa kabuuang detalye, i-click po ang link n ito - KAUTUSANG PAMBAYAN BLG. 005-2023 .