Philippine Standard Time

News and Announcement

DFA FSI Book Turnover

Aug 24, 2022 - 02:46 PM



DFA FSI Book Turnover
Dumating po kanina sa ating tanggapan ang mga opisyal ng DFA Foreign Service Institute upang bigyan po nila tayo ng kopya ng kanilang bagong nailathalang libro o coffeetable book na “Women of Laguna: Continuing Old Traditions” kung saan isa sa mga tampok ang paglala ng sambalilo ng ating mga kababaihang Cavintiin.
Maraming salamat po kina Ambassador Jose Maria Carino ng DFA FSI at kanilang mga kasamahan sa FSI gayundin po kay Ambassador Sulpicio Confiado ng DFA OFMS kasama sina Madame Priscilla Confiado, Madame Buena Rabe at Madame Teresa Alba ng Phil. Ambassador’s Ladies Association sa paghahatid ng nasabing libro at pagbibigay ng mga mahuhusay na payo at suhestyon para po mapanatili nating buhay ang tradisyon ng paglalala ng sambalilo gayundin sa pagpapaunlad ng sining, kultura at turismo sa bayan ng Cavinti.
Mabuhay ang mga kababaihan at maglalalang Cavintiin!