Philippine Standard Time

News and Announcement

NATIONAL ID REGISTRATION at CAVINTI

Nov 14, 2021 - 02:19 AM


NATIONAL ID REGISTRATION at CAVINTI

Kanina po ay pormal na sinimulan ng PSA ang pagpaparehistro para sa National ID sa ating bayan. Narito po ang mga sagot sa mga malimit na katanungan patungkol sa pagkuha ng National ID.

FAQ's about National ID

1. Ano-ano ang kailangang dalhin sa registration center?
-Ballpen, Facemask, Appointment slip/stub at ID/Doc
-Magdala po ng ORIGINAL id/document na nasa listahan sa ibaba.
*Siguraduhin po na tama ang mga impormasyon dahil kapag po may mali ay kinakailangan po ng ORIGINAL Birth Certificate/Marriage Cert. (Kung single ang nasa ID)
-Kung wala pong id na kahit ano ay kumuha ng Brgy. Certificate sa inyong brgy.
-Ang TIN id po ay depende (hindi po namin tinatanggap yung mga galing sa online. Ang maaari po naming tanggapin ay issued on/before 2018 na galing mismo sa opisina ng BIR)
-Ang mga requirements po ay dapat mayroong COMPLETE NAME, PICTURE, BIRTHDAY, ADRESS, AT PIRMA/THUMBMARK.

2. Ilang taon ang pwedeng kumuha?
-15 yrs old and above

3. Saan at tuwing kailan bukas ang Registration Center?
- Sa Cavinti Covered Court, Oflaria St. Brgy. Poblacion
Monday to Saturday
8am to 5:00 pm (Maaaring magcut-off ng maagap depende sa dami ng registrant)

4. Kailan kami pwedeng pumunta?
-Kapag na-step 1 na, maghintay ng text mula sa PSA at dalhin ang appointment slip sa nakatakdang schedule.

5. Ano ang appointment slip?
-Ito po ay ibinigay noong nag house to house step 1 ang PSA. Dadalhin nyo po ito at ipapakita sa registration center sa araw ng inyong schedule.

6. Paano kapag nawala ang appointment slip?
- Kumuha nalang po kayo ng stub sa brgy at pumunta sa registration center sa nakatakdang schedule.

7. Paano kami magkaka-schedule, wala kaming appointment slip?
-Maghintay po ng announcement mula sa LGU/Barangay.
-Kapag schedule na po ng inyong brgy ay magpapalista po kayo at hihingi ng stub na ipapakita pagpunta nyo sa registration center.

8. Pwede po ba mag walk-in? Mayroon po ba kayong cut-off?
- Opo. First 280 registrants per day. Hindi po hinihikayat ang mga walk in kaya maghintay po ng schedule.

9. May bayad po ba ito?
-Libre po

10. Pano po ang estudyante na wala pang valid id?
- Pwede po ang School id noong School year 2019-2020 at ORIGINAL Birth certificate OR Brgy. Certificate

11. Kasal na pero single pa ang nasa ID
- Magdala po ng isang valid id at ORIGINAL marriage cert OR Barangay Certificate

12. Balo/widow na pero Married pa ang nasa id
-Magdala po ng isang valid id at death certificate ng asawa.
-Kung may id naman po na walang status na nakalagay di na po kailangan ng death certificate.

13. Kailan makukuha ang ID?
- 3 to 6 months po or mahigit pa. Philpost po ang magdedeliver

14. Paano po kung wala ako sa bahay kapag ide-deliver na ang id?
- Mag-iwan po kayo ng Authorization letter, photo copy ng id at Transaction slip.

15. Paano po kapag nawala ang Transaction slip?
- Inyo pong ingatan. Pwedeng ipa-photo copy para may extra copy or picturan para hindi mawala.

16. Pwede ba magpa-register ang ofw?
- Kailangan po ng personal appearance sa ating registration center.

17. Example: Nakatira sa bayan pero sa Brgy. Paowin nakarehistro.
- Kayo po ay kukuha ng stub at magpapalista sa Brgy. Kung saan kayo nakatira. Yun din po ang ilalagay nyo sa address.
Antabay lamang po sa mga susunod na anunsyo.

Marami pong salamat.