Philippine Standard Time

News and Announcement

131ST regular session june 23, 2025

Jun 25, 2025 - 03:46 AM


June 23, 2025-ginanap ang ika-131 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Milbert L. Oliveros
Isang taos-pusong pagkilala at pasasalamat ang ipinapaabot ng Sangguniang Bayan sa pangunguna ni Vice Mayor Milbert Oliveros sa mga natatanging Konsehal na nagtapos sa kanilang termino bilang mga lingkod bayan. Buong puso at dedikasyong nanungkulan para sa ikabubuti ng ating bayan.
Ipinagkakaloob namin ang mataas na pagpupugay sa bawat resolusyong inyong iniakda, na nagbigay inspirasyon sa lahat. At kayo ang nagsilbing tinig ng ating mga kababayang nangangailangan tulong pinansyal man o personal. Tunay kayong naging mabuting haligi ng pamamahala at matatag na paglilingkuran sa ating mga mamamayang Cavintiin.
Ang inyong katapatan, integridad, at malasakit ay hindi matutumbasan ninoman at magsisilbing inspirasyon sa ating mga kababayan, at sa mga susunod pang henerasyon na nagnanais na maginbg lingkod-bayan sa mga darating pang panahon.
Maraming salamat po at mabuhay kayo!