Philippine Standard Time

News and Announcement

4th Regular Session (2025-2028 July 28, 2025

Jul 29, 2025 - 06:47 AM


Hulyo 28, 2025- ginanap ang ika-4 na Pangkaraniwang Pulong ng Sangguniang Bayan na pinangunahan ni Vice Mayor Milbert L. Oliveros.
Tinalakay ang mga mahahalagang usapin kaugnay sa pagpapaigting ng Pambayang Kautusan Blg. 011-2020- Kautusang nagtatakda ng mga alituntunin sa wastong paggamit at pagbabawal sa lahat ng uri ng mga sagabal o obstruction sa mga pampublikong kalsada sa nasasakupan ng bayan ng Cavinti.
Gayundin ang pagtalakay sa mga pamamaraan para mapanatili ang kalinisan sa paligid ng lawa ng Caliraya.
Patuloy ang pagtalakay sa mga panukalang programa para sa ating bayan ng Cavinti ??????