Philippine Standard Time

News and Announcement

Solid Waste Management and Waste Segregation

Aug 24, 2022 - 02:45 PM



Pagpupulong tungkol sa Solid Waste Management at Waste Segregation para sa nasasakupan ng kabayanan sa pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay ng Poblacion.
Nakikiusap po kami sa inyo mga kababayang Cavintiin na ang lumang kaugalian sa pagtatapon ng halo-halong basura ay atin na pong kalimutan.
Unti-unti po nating sanayin ang ating sarili at makiisa sa tamang paghihiwa-hiwalay ng basura sa ating bahay upang sa gayon ay kaunti na lamang po ang kokolektahin ng ating mga trak ng basura na nagtatapon pa sa bayan ng Sta. Cruz habang hindi pa po operational ang ating sariling Sanitary Landfill.
Sa pakikiisa po natin sa paghihiwa-hiwalay ng basura, makakatulong po tayo na makatipid ang ating Lokal na Pamahalaan at Sangguniang Barangay, magiging maaliwalas, malinis at kaaya-aya pang tingnan ang ating kapaligiran.
Maraming salamat po...